Paglipat kay Smith sa US Embassy pinaboran ng CA
April 9, 2007 | 12:00am
Kinatigan ng Court of Appeals ang naging desisyon ng Makati City Regional Trial Court na ilipat sa custody ng US Embassy si Lance Cpl. Daniel Smith noong Disyembre 29, 2006.
Sa 12-pahinang desisyon ni Associate Justice Ricardo Rosario ng CA 12th division, ibinasura din nito ang naging apela ng biktimang si Nicole na muling magpalabas ng warrant of arrest ang appelate court para ibalik si Smith sa kulungan. Pinaboran din nina Associate Justices Rebecca de Guia Salvador at Magdangal de Leon ang nasabing desisyon habang hindi pa nareresolba ng CA ang apela ni Smith na balewalain ang hatol sa kanya.
Ayon sa CA, legal ang ginawang paglilipat kay Smith at hindi ito maituturing na pagtakas sa kanyang hatol tulad ng akusasyon ni Nicole na dapat nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ating korte ang convicted US serviceman. Hindi rin kinatigan ng CA ang pananaw ng kampo ni Nicole na isang "fugitive" si Smith dahil hindi naman nito tinatakasan ang hatol ng ating korte at legal ang naging transfer nito base sa naging kasunduan ng DFA at US Embassy. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended