OFW di-pinapasahod sa Saudi
April 8, 2007 | 12:00am
Nanawagan kamakailan sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng isang OFW na aksiyunan ang kanilang problema dahil sa umano’y pagmamalupit ng employer nitong Arabo matapos na apat na buwan na itong hindi pinasusuweldo at itinatago ang passport nito para hindi makauwi sa Pilipinas.
Ayon kay Mrs. Cora Malasig, nais na aniyang umuwi ng Pilipinas ang kanyang anak na si Juby Malasig, 31, ng Phase 3, Block 6, Lot 2, Ilang-Ilang St., Citihomes Subdivision, Molino 4, Bacoor, Cavite at kasalukuyang nagtatrabaho sa Katif, Dammam, Saudi Arabia.
Nabatid na noong Enero 22, taong kasalukuyan ay nagtungo si Juby sa nabanggit na bansa sa pamamagitan ng isang recruitment agency, ang Golden Ramad, na matatagpuan sa Arquiza St., Manila.
Ang pinirmahang kontrata ni Juby ay bilang electrician ngunit nang nakarating na siya sa nabanggit na bansa, lumabag sa kontrata nito ang kanyang Arabong employer.
Sa halip na electrician, jack hammer ang kanyang naging trabaho kung saan base pa rin sa kontrata, tatanggap siya ng suweldo na nagkakahalaga ng $600.00 ngunit ang ipapasuweldo lamang aniya sa kanya ay 600.00 Riyal.
Ayon pa sa ina ni Juby, ang masaklap pa aniya, simula ng umalis ito ng Pilipinas noong Enero, hindi sinusuwelduhan hanggang sa kasalukuyan ang kanyang anak.
Nabatid pa kay Aling Cora na nagtungo siya sa Overseas Workers Welfare Administration ngunit, ayon dito, wala umano itong maitutulong sa kanilang problema. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended