ASO jingle tatapatan nina Vic at Joey
April 8, 2007 | 12:00am
Upang ipakita ang kanilang suporta kay Team Unity senatorial candidate Vicente ‘Tito’ Sotto, balak ng mga singer-comedian-TV host na sina Joey de Leon at Vic Sotto na gumawa ng isang jingle upang ipantapat sa "ASO jingle" na ipinakalat kamakailan ng aktor na si Rez Cortez ng United Opposition.
Ayon kay Tito, kung hindi hinarang ng Commission on Elections ang pagpapakalat ng ASO jingle, walang dahilan upang hindi gumawa ng kanilang sariling jingle sina Joey at Vic.
Hinihintay pa ni Tito ang ruling ng Comelec kung saan inaasahan niya ang paborableng desisyon para sa oposisyon upang maipatugtog din ang kanilang CD.
"Kung papayagan ’yan (ASO jingle), walang dahilan para hindi gumawa ng sariling jingle para sa akin ang mga kaibigan kong sina Joey de Leon at Vic Sotto dahil, kung iyung "against" pinapayagan mo, e di kailangan ding payagan mo yung "for," pahayag ni Tito.
Ang ASO jingle ay pinalabas ng oposisyon laban kina Senator Edgardo Angara, at dating senators Sotto at Tessie Oreta upang batikusin ang kanilang pagsama sa ticket ng administrasyon.
Bago pa man pumasok sa pulitika, kilala na si Sotto sa longest running noontime show na Eat Bulaga kung saan nakasama niya ang kanyang kapatid na si Vic at kaibigang si Joey.
Naniniwala si Tito na kahit ano pa ang ma ging desisyon ng Comelec kaugnay sa jingle ay magiging paborable sa kanya lalo pa’t igagawa siya ng jingle nina Vic at Joey. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended