Mga iskolar ni FG, doktor na
April 5, 2007 | 12:00am
Nanawagan si First Gentleman Mike Arroyo sa mga nagtapos sa ilalim ng kanyang scholarship program na nais maging doktor na gamitin nila ang kanilang karunungan para mabigyan ang mga mahihirap ng mas malusog at mahabang buhay.
Sa kanyang pagtanggap sa Malacanang sa 10 mga nagtapos na pawang nagsipag-aral sa Pamantasan ng Maynila, sinabi ni Ginoong Arroyo na wala siyang hinihinging anumang kabayaran mula sa mga graduates.
"Kung gusto ninyo akong bayaran, pumunta kayo sa mga mahihirap, lalo pa sa mga lalawigan at kanayunan at pagsilbihan ninyo sila," panawagan ng Unang Ginoo sa mga nagsipagtapos.
Ang mga bagong doktor ay kabilang sa 20 unang napili para sa proyektong Bagong Doctor Para sa Bayan ni Ginoong Arroyo na naglalayong mabawasan ang kakulangan ng mga manggagamot sa kanayunan.
Samantala, nagsisimula na ang screening para sa susunod na batch ng mga iskolar. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am