Albay Mayor inireklamo sa fake P1,000
April 3, 2007 | 12:00am
Milyong halaga ng P1,000 fake peso bills ang hinihinalang ipinakalat ng isang incumbent mayor sa lalawigan ng Albay na hinihinalang gagamitin sa pagbili ng boto.
Base sa blotter ng pulisya sa Sto. Domingo, Albay, maraming piraso ng pekeng P1,000 bills ang kumakalat ngayon sa naturang lugar na pinatotohanan naman ni Capt. Rolando Esguerra, hepe ng Sto. Domingo police station, na ilang beses nang nakakuha ang awtoridad ng pekeng P1,000 peso bill sa nasabing bayan.
Ayon sa source, isang incumbent mayor ng naturang lugar na sinasabing sangkot din sa malawakang iskandalo ng water project, ang siyang itinuturing na utak ng pagpapakalat ng pekeng salapi dahil masyado umanong mayaman ang makakalaban nito ngayon sa pagka-alkalde.
"Wala kasi siyang maipangtapat sa kanyang kalaban na ubod ng yaman kaya nag-imprenta ng kanyang sariling pekeng salapi," wika ng source.
Dahil dito, inalerto ng pulisya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Legazpi City upang imbestigahan ang naturang insidente at nagpakalat na rin ng karagdagang tauhan upang manmanan ang posibleng utak ng naturang pamemeke.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest