Inisa-isa ni APEC Representative Ernesto Pablo ang "six-point platform" nito kabilang ang VAT exemption ng mga electric cooperatives para maibaba ang presyo ng kuryente at pagpapailaw sa 2,000 barangay at sitio sa iba’t ibang panig ng bansa.
Binanggit din ni APEC Representative Edgar Valdez ang pagpapawalang-bisa sa P18-bilyon utang ng mga electric coops at pagpababa ng power purchase adjustment o PPA. Tumulong din ang APEC sa pagbibigay ng kuryente sa dalawang milyon kabahayan at ipinaglaban ng grupo sa Kongreso ang karagdagang P260M sa national budget noong 2005 at P602-M noong 2007 para sa elektripikasyon sa kanayunan.
"Ang performance ng APEC sa 11th at 12th Congress ay patunay ng aming paglilingkod," ani Valdez.