^

Bansa

Pinoy boxer todas sa KO!

-
Isang boksingerong Pilipino ang namatay kamakalawa matapos mapatumba ng kalaban nito sa isang knockout sa ikaapat na round ng boxing sa Bangkok, Thailand.

Iniulat umano ng Philboxing.com na nagkaroon ng pagdurugo sa utak ng boksingerong si Lito Sisnorio matapos mapabagsak ng kalaban nitong Thai pug na si Chatchai Sasakul sa kanilang laban sa naturang bansa noong Biyernes.

Binawian ng buhay si Sisnorio habang ginagamot sa Piyamin Hospital sa Bangpli district sa lalawigan ng Samutprakam sa may katimugan ng Bangkok.

Sinasabi sa ulat na umalis ng Pilipinas si Sisnorio nang hindi dumaan sa Games and Amusement Board, isang ahensyang kumukontrol sa boxing competition sa bansa.

Naganap sa Wat Sing School sa Thailand ang labanan nina Sisnorio at ni Chatchai na isang dating World Boxing Council Flyweight champion. Sunud-sunod na right hooks sa ulo ang tinanggap ni Sisnorio mula sa kalaban at sa gitna ng 4th round ay tuluyang tumumba ito.

Nabatid na si Chatchai ay tinalo ni WBC International Super Featherweight champion Manny Pacquiao noong Disyembre 1998.

vuukle comment

BANGPLI

CHATCHAI

CHATCHAI SASAKUL

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

INTERNATIONAL SUPER FEATHERWEIGHT

LITO SISNORIO

PIYAMIN HOSPITAL

SISNORIO

WAT SING SCHOOL

WORLD BOXING COUNCIL FLYWEIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with