^

Bansa

Oplan Kalakbay ikinasa ng LTO, LTFRB

-
Ikinasa na ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Fran chising Regulatory Board (LTFRB) ang Oplan Kalakbay na taunang ipinatutupad sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Engr. Bong Quiambao, special assistant ni LTO Chief Reynaldo Berroya, ngayong linggo (April 1) pa lamang ay nakakalat na ang mga enforcers ng LTO sa lahat ng entry at exit points ng Metro Manila para alalayan ang mga motorista papuntang mga lalawigan at probinsiya para doon gunitain ang Mahal na Araw.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Thompson Lantion na ang LTFRB Franchise Enforcement Group sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang affiliated NGOs, radio communication groups, medical teams, PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) ay nagtutulong-tulong para gabayan ang taumbayan na maligtas sa kani-kanilang paglalakbay.

Pinaalalahanan din ni Lantion ang mga public transport operators na sundin ang mga batas at patakaran para sa kaligtasan ng mga commuters.

Maglalagay din ng LTFRB Help Desk ang ahensiya sa mga bus terminals, pier stations at mga domestic airports para maalalayan ang mga tao pauwi sa kani-kanilang destinasyon sa panahon ng okasyon. (Angie dela Cruz)

BONG QUIAMBAO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

CHIEF REYNALDO BERROYA

FRANCHISE ENFORCEMENT GROUP

HELP DESK

LAND TRANSPORTATION FRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with