Natuklasan ni Saguisag na nagpatawag ng isang pulong-ehekutibo si Gordon noong Martes ng gabi na dinaluhan nina Senador Juan Ponce Enrile, Nieto at abogado nito kasama ang ilang committee staff.
Ayon sa impormante, nagdesisyon si Gordon na tapusin na agad ang imbestigasyon ng Senate committee on government corporations na pinamumunuan nito dahil hindi na makakadalo si Nieto sa susunod na pagdinig.
"Hindi naaayon ang pulong na pinatawag ni Gordon kasama ni Enrile na bukod sa una ay siyang tanging ibang senador na dumalo roon. Hindi isang disinterested party si Enrile sa usapin dahil minamay-ari ng pamilya nito ang lima o anim na porsiyentong sosyo sa Philcomsat," sabi pa ni Saguisag.
Binatikos din ni Saguisag ang pagdaraos ng closed-door meeting ng komite dahil wala namang sangkot dito ukol sa national security. Hiniling din ni Saguisag ang paliwanag agad ni Gordon ukol dito. (Joy Cantos)