^

Bansa

Senate probe sa Philcomsat tapusin

-
Iginiit kahapon ng abogadong si Rene Saguisag, abogado ng Philcomsat directors, kay Senador Richard Gordon na tapusin na agad ang imbestigasyon ng Senado sa anomalya sa Philcomsat matapos makipagpulong umano ito sa shareholder ng kumpanya na si Manuel Nieto.

Natuklasan ni Saguisag na nagpatawag ng isang pulong-ehekutibo si Gordon noong Martes ng gabi na dinaluhan nina Senador Juan Ponce Enrile, Nieto at abogado nito kasama ang ilang committee staff.

Ayon sa impormante, nagdesisyon si Gordon na tapusin na agad ang imbestigasyon ng Senate committee on government corporations na pinamumunuan nito dahil hindi na makakadalo si Nieto sa susunod na pagdinig.

"Hindi naaayon ang pulong na pinatawag ni Gordon kasama ni Enrile na bukod sa una ay siyang tanging ibang senador na dumalo roon. Hindi isang disinterested party si Enrile sa usapin dahil minamay-ari ng pamilya nito ang lima o anim na porsiyentong sosyo sa Philcomsat," sabi pa ni Saguisag.

Binatikos din ni Saguisag ang pagdaraos ng closed-door meeting ng komite dahil wala namang sangkot dito ukol sa national security. Hiniling din ni Saguisag ang paliwanag agad ni Gordon ukol dito. (Joy Cantos)

vuukle comment

ENRILE

GORDON

JOY CANTOS

MANUEL NIETO

NIETO

PHILCOMSAT

RENE SAGUISAG

SAGUISAG

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

SENADOR RICHARD GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with