Magna carta sa media Hiniling ni Pichay
March 30, 2007 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Team Unity senatorial candidate Prospero Pichay ang pagbuo ng mga magna carta para sa mga mamamahayag kasabay nang patuloy na kontrobersiya hinggil sa pagpatay sa mga miyembro ng media at aktibista.
"Ilalatag ng isang magna carta ang batayan ng indibwal na mga karapatan ng mamamahayag at maituturing na bahagi ng Konstitusyon," sabi pa ni Pichay na kongresista rin ng Surigao del Sur.
Umapela rin siya sa lahat ng political parties at kandidato na protektahan ang demokrasya at ipaglaban ang freedom of the press.
Nagpahayag ng suporta si Retired Brigadier General Marcelo C. Blando sa ABA-AKO Party List. Si Blando ay dating commander ng batikang First Scout Ranger Regiment at commanding general ng 7th Infantry Division ng Philippine Army. Ayon kay Blando, suportado niya ang ABA-AKO dahil ang plataporma nito ay alinsunod sa kanyang panawagan para sa makabagong paraan ng agrikultura at "farm empowerment". Ang ABA-AKO Party List ay isang koalisyon ng mga magsasaka, mangingisda, maralitang taga-lungsod at mga supporters ng tradisyonal na pamilyang Pilipino at pinamumunuan ni dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor.
"Ilalatag ng isang magna carta ang batayan ng indibwal na mga karapatan ng mamamahayag at maituturing na bahagi ng Konstitusyon," sabi pa ni Pichay na kongresista rin ng Surigao del Sur.
Umapela rin siya sa lahat ng political parties at kandidato na protektahan ang demokrasya at ipaglaban ang freedom of the press.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest