Ito’y matapos makuha ang lubos na suporta ng lahat ng kandidato sa mga lokal na posisyon mula sa kongresista, gobernador, bokal, konsehal at mga alkalde ng Cagayan para sa May 14 elections.
Lumaki ang pag-asa na mananalong lahat ang mga kandidato ng administrasyon sa Cagayan matapos na ipangako sa mga ito ni Cagayan Governor Edgar Lara ang 12-O panalo para sa TU.
Ang mga kinatawan ng mga kandidato ng Team Unity tulad nina Mike "Tol" Defensor, Tito Sotto, Butch Pichay at Vic Magsaysay ay nagtungo sa Cagayan para sa Pulong Sulong session.
Sa fearless forecast ni Lara, 12-0 ang panalo ng TU senatorial candidates sa Cagayan na may humigit kumulang sa 530,000 botante.
Nang kapanayamin si Lara ng mga mamamahayag sa Basilica Minore of our Lady of Piat, sinabi nito na pag nagsimula sila ng pagkakampanya ngayong Biyernes, kanilang isusulong sa barangay level ang lahat ng kandidato ng Team Unity.
Tiniyak naman ni Energy Regulatory Board Chairman Rodolfo Albano Jr. na mananalong lahat sa kanyang lalawigan sa Isabela ang mga kandidato ng TU sa halalan sa Mayo.
Pinangunahan ni Albano ang mga local government official sa pagtanggap sa TU candidates sa Isabela, ang unang yugto ng kanilang pagkakampanya sa Hilagang Kanlurang bahagi ang Luzon. Pagkatapos sa Isabela, ang Team Unity Ticket ay tumuloy sa Cagayan at Quirino.