Ang mga modernong hospital equipment at supplies ay sinolicit ni Rep. Consuelo "Connie" Dy sa sa World Medical Relief, Inc. sa Estados Unidos sa tulong ni Pangulong Arroyo at ng FG Foundation.
Kabilang sa mahahalagang modernong teknolohiya na ipinagkaloob ay defibrillator machine with cardiac monitor, ultrasound machine (2 units), incubator, tatlong dialysis machines, vital sign monitor, neo natal monitor, tatlong physician centrifuge, dalawang units ng photo therapy, 56 hospital beds with mattress at iba pang mga supplies na pangunahing kailangan ng ospital.
Si Presidential Assistant for Region IV Usec. Edgardo Manda ang naging kinatawan ni Pangulong Arroyo sa turnover at blessing ng mga makabagong kagamitan.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Manda na ang pagdating ng mga modernong hospital equipment ay umpisa pa lamang ng malawakang pagbabago at pag-unlad sa serbisyo at pasilidad ng Pasay Hospital.
Lubos naman ang pasasalamat ni Rep. Dy sa patuloy na suportang ibinibigay ni Pangulong Arroyo para sa g serbisyo medical ng mamamayan ng Pasay.
Si Dy ay nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng lungsod. (Angie dela Cruz)