Transport Leaders nominado sa 1-UTAK
March 29, 2007 | 12:00am
Ginanap kahapon ang national convention ng party-list ng mga tsuper, operator at mga pasahero, ang Nagkakaisang United Transport Koalisyon o 1-UTAK, upang ipakilala na ang kanilang mga nominado para sa Mayo 14.
Ang mga nominado ay sina Atty. Vigor Mendoza II, Homer Mercado ng PBOAP; Zenaida Maranan ng Fejodap, Efren de Luna ng ACTO at Ryan Yu ng Citrasco.
Ayon kay Mendoza, sa pamamagitan ng panukalang mga batas ng 1 UTAK sa Kongreso ay posibleng magkaroon ng katatagan sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, maitaas ang antas ng transport operations sa bansa, tiyaking ligtas at maayos ang lahat ng land transport facilities na bumibiyahe sa bansa na sinasakyan ng publiko.
Plano din ng 1 UTAK na i-decongest ang mga pangunahing lansangan upang ganap na maipatupad ang Clean Air Act at maging ligtas sa polusyon ang kalusugan ng publiko. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest