Pabuya inilabas ng PNP vs NPA
March 28, 2007 | 12:00am
Nagpalabas ng bagong reward system ang Philippine National Police (PNP) sa Region 4B o MIMAROPA region laban sa New People’s Army (NPA) sa gitna ng pagpapaigting nila ng kampanya laban sa rebelyon.
Sinabi ni PRO 4B Director, Chief Supt. Napoleon Cachuela, magbibigay sila ng karagdagang pabuya sa sinumang makapagtuturo o makapagpapasuko sa mga rebelde sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Ayon kay Cachuela, P20,000 ang nakalaang ibigay ng PNP sa mga impormante na magtuturo sa mga top ranking officer ng kilusan na magreresulta sa pagkakapatay nito habang P15,000 kung mahuhuli at P10,000 kung mapapasuko; P20,000 pabuya naman kung mababawi ang matataas na kalibre ng baril tulad ng machine gun, mortars, RPG at landmines habang P10,000 sa high powered firearms at P3,000 kung low-powered.
Magmumula ang naturang halaga sa kanilang pondo habang ang iba ay babalikatin ng PNP. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended