Ayon kay reelectionist Senator Ralph Recto, posibleng magmistulang sardinas na naman ang mga estudyante sa mga silid-aralan at magklase sa ilalim ng punongkahoy.
Sinabi ni Recto na kahit na naglaan ng P5.3 bilyon mula sa P1.126T budget para sa pagpapatayo ng 11,673 silid-aralan, kukulangin pa rin ito para sa mga mag-eenrol sa darating na pasukan.
Tinaya sa mahigit sa 18,645 milyon estudyante ang magpapa-enrol sa mga pampublikong paaralan sa school year 2007-2008, bunsod na rin ng paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong eskuwelahan.
Sinabi ni Recto na ang karagdagang 800,000 mag-aaral ay nangangailangan ng 16,000 silid-paaralan kung saan 50 estudyante ang nasa bawat klase. (Joy Cantos)