Mga estudyante magka-klase na naman sa mga puno
March 27, 2007 | 12:00am
Hindi pa man nagbubukas ang school year 2007-2008, malaking problema na kaagad ang kakaharapin ng pamahalaan sa darating na Hunyo ng taong ito.
Ayon kay reelectionist Senator Ralph Recto, posibleng magmistulang sardinas na naman ang mga estudyante sa mga silid-aralan at magklase sa ilalim ng punongkahoy.
Sinabi ni Recto na kahit na naglaan ng P5.3 bilyon mula sa P1.126T budget para sa pagpapatayo ng 11,673 silid-aralan, kukulangin pa rin ito para sa mga mag-eenrol sa darating na pasukan.
Tinaya sa mahigit sa 18,645 milyon estudyante ang magpapa-enrol sa mga pampublikong paaralan sa school year 2007-2008, bunsod na rin ng paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong eskuwelahan.
Sinabi ni Recto na ang karagdagang 800,000 mag-aaral ay nangangailangan ng 16,000 silid-paaralan kung saan 50 estudyante ang nasa bawat klase. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest