Jaye Lacson, manok ng GO sa Malabon – Navotas
March 26, 2007 | 12:00am
Opisyal nang hinirang ng Genuine Opposition (GO) si Jaye Lacson bilang kandidato nila sa pagkakongresista sa nag-iisang distrito ng Malabon at Navotas.
Sa proclamation rally, pormal na inindorso ni GO leading senatorial candidate Francis "Chiz" Escudero si Lacson matapos ang pagbuhos ng suporta ng mga residente ng Malabon at Navotas.
Si Lacson din ang presidente at founding chair ng pinakamalakas na grupo ng kababaihan sa Northern part ng Metro Manila na Kayang-kayang ni Misis (KKM).
Sa ngayon umaabot na sa 8,000 ang kabuuang membership ng KKM na siyang pangunahing lakas ng kababaihan na nagsusulong ng pagbabago sa Malabon at Navotas.
Nagpahayag ng kahandaan si Lacson na ipagpatuloy ang magandang simulain ng KKM sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga tulong na ginagawa nila sa mga kababaihan. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest