Gayunman, nilinaw ni Presidential Legal Adviser Sergio Apostol na hindi ang Palasyo ng Malacañang kundi ang Supreme Court administrator ang dapat na mag-imbestiga sa mga reklamo sa mga huwes na hinihinalang tiwali o nasusuhulan ng salapi.
Iginiit ni Apostol na may sariling mekanismo ang SC para imbestigahan ang nasabing bagay kung kaya hindi na ito panghihimasukan pa ng Pangulo bilang respeto sa umiiral na "separation of powers."
Binigyang diin ni Apostol na sinusuportahan ng Palasyo ang hakbanging lifestyle check sa mga huwes bilang pruweba na determinado ang pamahalaan na lutasin ang problema sa korapsiyon.
Hinikayat ni Apostol sina Attys. Romulo Macalintal at Sixto Brillantes na silang nagpanukala sa nasabing lifestyle check na magsumite ng ebidensiya kontra sa mga tiwaling huwes na sumisira sa reputasyon ng gobyerno. (Joy Cantos)