Sparrow bubuhayin ng NPA
March 24, 2007 | 12:00am
Pinaplano na rin umano ng New People’s Army (NPA) na buhayin ang death squad nito na tulad ng pinakilos nitong Sparrow Unit o Alex Boncayao Brigade na napabalita sa pagpatay ng mga pulis, sundalo at tiwaling elemento sBa Metro Manila noong dekada 80.
Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino na nagsabing maaaring pinaplano ng NPA na mangalap ng mga miyembro ng death squad mula sa mga mahihirap na lugar o ssquatter sa Metro Manila tulad ng sa Payatas, Quezon City.
"Nakatanggap kami ng intelligence report na nagsasaad na maaaring tinatangkang muli ng mga kaaway ng estado na magtayo ng balwarte rito. Ayaw naming mangyari yan," sabi pa ng opisyal.
Sinabi pa ni Tolentino na sinisikap umano ng NPA na magtayo ng "advance staging point" sa tambakan ng basura sa Payatas na pinaninirahan ng maraming basurero.
Dahil dito, ayon kay Tolentino, wala siyang planong alisin ang mga sundalo sa naturang mga lugar.
Tinatayang 200 sundalo at pulis ang napatay ng NPA death squad sa Metro Manila noong dekada 80.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest