Erap, di titigilan ni Defensor sa reconciliation issue

Nagpahayag ng kalungkutan si Team Unity senatorial candidate Mike Defensor sa mistulang lamat sa magandang tiwala sa kanya ng dating Pangu=long Joseph Estrada kaSugnay ng mga bagong isyu na sumusubok sa katatagang pangpulitika ng bansa.

Ayon kay Defensor, bagama’t hindi direktang nagmula sa dating Pangulo ang pahayag na nagbabawal sa kanya na makapasok sa Tanay resthouse, umaasa pa rin siyang mali lamang ang statement ni Atty. Ruefus Rodriguez na lumabas sa media.

Tahasang sinabi ni Defensor na ang pagbabawal sa kanya ni Estrada na makapasok sa resthouse ay malaking kawalan sa isinusulong niyang re"conciliation sa panig ng oposisyon at administrasyon.

Nagpahayag din ng pagtataka si ‘Tol sa umano’y paniniwala ng kampo ni Estrada sa sinasabi ni Blanquita Pelaez na ito ay kanyang inudyukan para magsampa ng kasong money laundering.

Binigyang-diin ni Defensor na maging ang kampo ng dating Pangulo ay kinukuwestiyon ang kredibilidad ng mga Pelaez noong mga panahong nag-iingay ito ukol sa pakikipag-away kay Senador Ping Lacson.

"Bakit ngayon, iba na ang tingin nila kay Blanquita? Dapat pa ba nilang paniwalaan ang ganitong klase ng polluted source?" dagdag pa ni Defensor.

Sa kabila ng napaulat na pagbabawal ni Estrada kay Defensor na makapasok sa Tanay resthouse, sinabi ng dating Presidential Chief of Staff na umaasa pa rin siyang maliliwanagan ang lahat dahil determinado siyang pagkasunduin ang administrasyon at oposisyonS para sa ikabubuti ng sitwasyon ng dating Pangulo. (Malou Escudero)

Show comments