Ayon sa isyu ng Jerusalem Post, inaresto ng pulisya ang Pilipina makaraang maghinala ang isang apo ng biktima hinggil sa ninanakaw ng suspek mula sa kanila sa loob ng nagdaang anim na taon.
Tinataya raw na P1.15 milyon ang nakuha ng suspek. Ang isang NIS ay katumbas ng P11.55 milyon.
Hindi naman binanggit sa ulat ang pangalan ng suspek dahil isinasaayos pa ang pagsasampa ng demanda sa korte.
Sinasabi pa sa ulat na ginamit umano ng caregiver ang pera sa pagbili ng mga pangangailangan para sa kanyang sarili at sa isa niyang kaibigan na nakatira sa east Jerusalem. Umamin daw sa kasalanan ang suspek.