^

Bansa

Pinay caregiver inaresto sa Israel

-
Isang 31-anyos na caregiver na Pilipina sa Israel ang inaresto ng pulisya sa naturang bansa nitong Miyerkules dahil umano sa pagnanakaw ng perang nagkakahalaga ng NIS (New Israel Shekels)100,000 mula sa amo niyang may edad na 100 taong gulang at kabilang sa holocaust survivor.

Ayon sa isyu ng Jerusalem Post, inaresto ng pulisya ang Pilipina makaraang maghinala ang isang apo ng biktima hinggil sa ninanakaw ng suspek mula sa kanila sa loob ng nagdaang anim na taon.

Tinataya raw na P1.15 milyon ang nakuha ng suspek. Ang isang NIS ay katumbas ng P11.55 milyon.

Hindi naman binanggit sa ulat ang pangalan ng suspek dahil isinasaayos pa ang pagsasampa ng demanda sa korte.

Sinasabi pa sa ulat na ginamit umano ng caregiver ang pera sa pagbili ng mga pangangailangan para sa kanyang sarili at sa isa niyang kaibigan na nakatira sa east Jerusalem. Umamin daw sa kasalanan ang suspek.

AYON

ISANG

JERUSALEM POST

MIYERKULES

NEW ISRAEL SHEKELS

PILIPINA

SINASABI

SUSPEK

TINATAYA

UMAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with