Sa isang press statement, sinabi ni Secretary Ignacio Bunye na walang nagaganap na negosasyon kaugnay sa kaso ng dating heneral.
Sinabi pa ni Bunye na hindi pakikialaman ng Malacañang ang kaso at pababayaan ang pag-usad ng batas.
Si Ligot ay nahaharap sa kasong katiwalian at inaakusahan nang pagnanakaw ng P135.28 milyon sa gobyerno noong comptroller pa siya ng AFP.
Napaulat ang pakikipagnegosasyon ni Ligot sa gobyerno kung saan nag-alok umano ito ng mahigit sa P20 milyon.
Kabilang umano sa mga iniaalok ni Ligot ang isang Toyota Hi-Lux pick-up na nagkakahalaga ng P1.078 milyon, isang Isuzu Elf truck na nagkakahalaga ng P305,000, mga ari-arian sa Bukidnon kabilang na ang isang resthouse at isang building na nagkakahalaga ng P6.715 milyon.
Kasama ni Ligot na nahaharap sa kasong katiwalian ang kanyang asawang si Erlinda. (Malou Escudero)