Basbas ng mga lider-relihiyon kailangan ng kandidato – Pichay
March 22, 2007 | 12:00am
Kailangan pa rin ng kandidato ang pag-iindorso ng mga religious leaders kung kaya naka-ugalian na ng mga kandidato na lapitan ang mga ito sa panahon ng pangangampanya.
Sa isang panayam, sinabi ni Team Unity senatorial bet Prospero "Butch" Pichay na normal lamang sa isang kandidato na humingi ng basbas mula sa mga lider ng Simbahan o grupong relihiyon. "Kasi kailangan rin naman ng isang kandidato ang endorsement ng mga religious leaders dahil sila ang nirerespeto sa loob ng kanilang relihiyon. Karamihan sa mga kandidato ay lumalapit talaga sa mga religious leaders," ani Pichay.
Gayunman, naniniwala rin ang kongresistang ‘Pro-Pinoy’ na bagama’t may naitutulong ang basbas ng isang lider mula sa Simbahan o grupong relihiyon, mas pagdidiinan nito ng pansin ang basbas na ibibigay ng taumbayan sa darating na halalan.
Si Pichay ay nakatakdang dumalaw kay Bro. Mike Velarde ng El Shaddai upang magbigay ng respeto dito. Naniniwala rin ang kongresista na ibibilang siya ni Bro. Mike sa listahan na kanyang iindorso. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest