‘Type ko si Nikki‘ – Mar Roxas
March 21, 2007 | 12:00am
"Gusto ko katabi ko si Nikki sa Senado."
Ito ang maikli ngunit tahasang pahayag ni Sen. Mar Roxas sa kanyang talumpati sa "Bakery Fair 2007" na ginanap sa World Trade Center kamakailan. Siya, kasama si GO senatoriable Nikki Coseteng at taipan na si Lucio Tan ay inimbitahan bilang mga tanging panauhing tagapagsalita sa nasabing kaganapan.
Si Roxas ay may natitira pang termino hanggang 2010 kaya kapag nanalo si Coseteng sa halalan sa Mayo 14 ay magkakasama sila sa Senado sa susunod na tatlong taon.
Maraming tinatanggap na endorsement si Coseteng mula sa iba’t ibang grupo sa pulitika, kasama na ang mga gobernador sa Bicol, mga congressmen sa Pangasinan na pawang mga kaalyado ng administrasyon, at iba’t ibang grupo gaya ng Cooperative Union of the Philippines.
Si Nikki ang may akda ng Senate Bill 1413 o Women’s Anti-Rape Bill. Kinilala rin siya bilang isang senador na may pinakamataas na antas sa paggawa ng batas para sa kaunlarang pantao.
Gumawa rin siya ng mga panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng OFWs, ipagbawal ang diskriminasyon laban sa mga manggagawang babae, dagdagan ang vacation at sickness benefits ng mga manggagawa at gawing mas madali ang pagtanggap ng mga benepisyo mula sa GSIS at SSS. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest