US at EU binira ng ABA-AKO

Binatikos ng ABA-AKO Partylist ang Estados Unidos at ilang bansang kasapi ng European Union sa kanilang double standards pagdating sa agrikultura.

Tinutulan ng ABA-AKO ang patuloy na pamimilit ng US at EU sa mga developing countries na buksan ang kanilang mga merkado para sa kanilang mga kalakal na may subsidiya habang pinoprotektahan naman ang sariling magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiyong umaabot sa isang bilyong dolyar kada araw. Ayon kay Leonardo Montemayor, nominado ng ABA-AKO, "Hindi dapat tayo maisahan ng mga mayayamang bansa. Walang bansang paunlad pa lamang na nasa tamang pag-iisip ang dapat pumayag ng ganun-ganon na lamang."

Show comments