Ayon kay Arroyo, walang lugar sa establisadong demokrasya kagaya ng Pilipinas ang political killings. Hindi anya nakatutulong dito ang akusasyon na may kinalaman ang militar at pulisya sa pagpatay ng mga inaakalang sumasalungat sa gobyerno kundi naghahasik lamang ito (political killings) ng kawalan ng pagtitiwala at pagdududa sa isipan ng ating mamamayan.
Hinggil naman sa pagbatikos na isinagawa ng US Congress sa ating pamahalaan, ipinaliwanag ni Joker na walang ibang lumalabag sa karapatang pantao sa buong mundo kundi ang sarili (Washington) nitong gobyerno.
"Look who’s talking! Hindi nga ba’t ang US ang siyang binabatikos ng United Nations para sa mga napatunayang paglabag sa karapatang pantao sa Guantanamo Prison Caps at sa mga bilangguan sa Iraq," ani Joker.
"The USA has lost the moral ascendancy to criticize other nations for violations of human rights, "pahayag niya. "These are skeletons buried in the US backyard - these are the skeletons of their own human rights violations. They should clean their backyard first before they start commenting on other countries’ alleged violations of human rights." (Butch Quejada)