Base sa survey ng Psrc malayo ang lamang ni Bagatsing at lalong gumanda ang rating nito laban sa kalabang sina Konsehal Isko Mo reno matapos na umatras si District 1 Rep. Banzai Nieva sa pagka bise Alkalde ng Maynila at inindorso na lamang ang una.
Tumaas ng 22 porsiyento si Bagatsing, samantalang nagkamit lamang si Moren ng 18 porsiyento, Grepor Belgica,16%, Lito Banayo, 11% at Konsehal Cita Astals na 11 porsiyento din.
Nakuha umano ni Bagatsing ang suporta ng grupo ng mga naglalakihang negosyante, non government organizations (NGOs) at youth sektor dahil sa kanyang karanasan at magandang track record bilang batang opisyal ng pamahaalang lung sod.
Nabatid na noong nakaraang Enero, luma labas sa survey na, 23 porsyento ang nakuhang boto ni Bagatsing laban sa kadikit niyang kalabang si Moreno na mayroong 18 porsyento subalit bumaba umano ang rating in Moreno sa pagpasok ni Belgica at Banayo. (Gemma Amargo-Garcia)