Nabatid sa mga doktor na sina Sylvia de la Paz ng Karapatan at Eleanor Jara ng Council for Health and Development ng Manila Police District (MPD) headquarters na umabot sa 130/90 ang blood pressure ni Ocampo bukod pa sa nararamdaman nitong stress.
Dahil dito, hihilingin ng mga doktor na payagan si Ocampo na magpa-araw at makapag-exercise para hindi lumala ang kondis yon nito.
Ngayong araw nakatakdang ilipad patungong Leyte si Ocampo para iharap sa judge na nagpaaresto sa kanya ukol sa 15 counts of murder. (Doris Franche)