Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) sa Camp Crame ng 29 election related violent incidents sa iba’t-ibang lugar partikular sa mga probinsya.
Kumpiyansa naman si Calderon na hindi na tataas pa ang nasabing bilang ng karahasan dahil kayang pigilin ng kapulisan ang nakaambang awayan sa pulitika ng magkakalabang kandidato lalo na sa Metro Manila.
Ipinagmalaki rin ni Calderon na dahil sa paghihigpit ng kanyang kapulisan ay nakaaresto na sila ng 1,178 katao na lumabag sa Comelec gun ban, nakakumpiska na rin sila ng 1,106 mga armas, 57 pampasabog at 198 patalim.
Samantala, binalaan naman ni Calderon ang kanyang mga opisyal na magtrabaho ng maayos dahil hindi umano siya mangingiming ibagsak sa mga ito ang nararapat na kaparusahan sakaling gumawa sila ng hindi maganda.
At upang masiguro ang 24 oras na availability ng kapulisan para sa nalalapit na eleksyon ay kinansela na ni Calderon ang lahat ng leave of absence ng lahat ng pulis simula sa Abril 1, 2007. (Edwin Balasa)