^

Bansa

Lokal na kandidato dagsa na para mag-file ng candidacy

-
Inalerto kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief, Director Gen. Oscar Calderon ang lahat ng Police Regional Office (PRO) at National Support Unit (NSU) dahil sa posibleng pagdanak ng election related violence dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga local candidates na magpa-file ng kandidatura para sa papalapit na May 14 election.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) sa Camp Crame ng 29 election related violent incidents sa iba’t-ibang lugar partikular sa mga probinsya.

Kumpiyansa naman si Calderon na hindi na tataas pa ang nasabing bilang ng karahasan dahil kayang pigilin ng kapulisan ang nakaambang awayan sa pulitika ng magkakalabang kandidato lalo na sa Metro Manila.

Ipinagmalaki rin ni Calderon na dahil sa paghihigpit ng kanyang kapulisan ay nakaaresto na sila ng 1,178 katao na lumabag sa Comelec gun ban, nakakumpiska na rin sila ng 1,106 mga armas, 57 pampasabog at 198 patalim.

Samantala, binalaan naman ni Calderon ang kanyang mga opisyal na magtrabaho ng maayos dahil hindi umano siya mangingiming ibagsak sa mga ito ang nararapat na kaparusahan sakaling gumawa sila ng hindi maganda.

At upang masiguro ang 24 oras na availability ng kapulisan para sa nalalapit na eleksyon ay kinansela na ni Calderon ang lahat ng leave of absence ng lahat ng pulis simula sa Abril 1, 2007. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CAMP CRAME

DIRECTOR GEN

EDWIN BALASA

METRO MANILA

NATIONAL ELECTION MONITORING AND ACTION CENTER

NATIONAL SUPPORT UNIT

OSCAR CALDERON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with