Tax evasion cases ‘wag upuan – Gonzales
March 17, 2007 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang lahat ng prosecutors partikular ang may hawak ng mga tax evasion cases na madaliin ang kanilang resolusyon sa kaso.
Ginawa ni Sec. Gonzalez ang memorandum circular upang mawala ang hinala na inuupuan lamang ng mga DOJ prosecutors ang multi-milyong pisong smuggling at tax evasion cases.
Inutusan ni Gonzalez si Chief State Prosecutor Jovencito Zuno na maipatupad ang memorandum circular para sa lahat ng prosecutor at prosecution attorney upang madaliin ang hinahawakan nilang tax evasion at smuggling cases.
Nagrereklamo kasi ang ilang opisyal ng Bureau of Customs dahil noong nakaraang taon pa sila humingi ng kopya ng mga dokumento tulad ng lading at outward manifests mula sa Customs Office ng South Korea sa pamamagitan ng Mutual Legal Assistance Treaty (MLAT) pero bigo ang DOJ na matulungan sila rito.
Ang iba pang malalaking kasong hawak ng DOJ ay ang P50 milyong tax evasion case ng MEGA Fishing Corporation; P79 million tax case against Industrial Builders and Developers Corp. at tax deficiency case against Shelmark Builders of the Philippines. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended