^

Bansa

Cayetano, US passport pa rin ang gamit – Capco

-
"Kung hindi sinungaling si Taguig-Pateros Alan Peter Cayetano sa pagsasabing tunay na Pilipino, bakit American passport pa rin ang gamit niya?"

Ito ang naging tanong ni dating Pateros Mayor Jose Capco kahapon ng magtungo sa Comelec para maglabas ng ebidensiya kung saan sinabi nito na noong 1998 ay American passport pa rin ang ginamit ng kongresista.

Sinabi ni Capco na ayon sa rekord ng Bureau of Immigration, dumating si Cayetano sa bansa sakay ng flight CX907 noong Nov. 13, 1998 bilang 9A passenger, na code para sa mga turista.

Sa halip na tahasang pasinungalingan ang pahayag ni Capco, humingi ng palugit si Cayetano para maibigay ang kanyang panig sa Comelec.

"Bakit hindi niya kayang sagutin agad... kung hindi siya nagsisinungaling," ayon pa kay Capco.

Noon namang Marso 19, 1990, sinabi ni Capco na personal na humiling si Cayetano ng duplicate ng kanyang Alien Certificate of Registration, Exit and Reentry Permit for Aliens, Identifications Certificate of Registration para sa kanyang paunang pagpaparehistro bilang Amerikano.

Sinabi ni Capco na bilang identification sa kan yang paghingi ng mga duplicate copies, ipinakita ni Cayetano ang kanyang US Passport na may serial #26167016 na inisyu noong August 24, 1987.

Idinagdag pa ni Capco na ayon sa sertipikasyon ni Chief State Counsel Ricardo Paras noong Peb. 22, 2007 walang rekord ang dept. na ang pagiging Pilipino ni Cayetano ay pinagtibay ng Secretary of Justice noong 1992 na siyang itinakda ng batas. (Gemma Amargo)

ALIEN CERTIFICATE OF REGISTRATION

BUREAU OF IMMIGRATION

CAPCO

CAYETANO

CHIEF STATE COUNSEL RICARDO PARAS

COMELEC

EXIT AND REENTRY PERMIT

GEMMA AMARGO

IDENTIFICATIONS CERTIFICATE OF REGISTRATION

PATEROS MAYOR JOSE CAPCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with