^

Bansa

Kabataan ilalaban ni Nikki

-
Ipinagtanggol ni senadora Nikki Coseteng ang pananatili ng Sangguniang Kabataan (SK) dahil ito ang nagsasanay sa magiging pinuno ng bansa sa kinabukasan. "Ang kabataan ay higit na idealista at makabayan kaysa sa maraming may edad na Pilipino. Ang mga katangian nilang ito ay dapat pagyamanin para matiyak natin na kapag sila na ang namumuno sa ating bansa ay magiging pangunahin sa kanila ang interes ng bansa kaysa sariling pakinabang," sabi ni Coseteng.

Si Coseteng ay nagbabalik-pulitika bilang kandidato sa pagka-senador ng Genuine Opposition. Naging kinatawan siya ng limang taon ng 4th District ng Quezon City at pagkatapos ay nagsilbi ng dalawang termino sa Senado. Tutol siya sa panukalang alisin ang Sangguniang Kabataan. Aniya, kung may mga depekto sa sistema ng SK,maaaring magkaroon ng mga pagbabago upang mapalakas bilang pahagi ng ating sistema ng pulitika. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANIYA

COSETENG

GENUINE OPPOSITION

IPINAGTANGGOL

JOY CANTOS

NIKKI COSETENG

PILIPINO

QUEZON CITY

SANGGUNIANG KABATAAN

SI COSETENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with