Inihayag kahapon ni reelectionist Sen. Ralph Recto na malapit ng maisabatas ang panukala na magbibigay ng P10% dagdag na suweldo sa mga empleyado ng gobyerno at karagdagang P1,200 buwanang allowance para sa mga sundalo at pulis.
Ayon kay Recto, may akda ng nasabing panukalang batas, sa darating na Marso 23 ay mapagtitibay na ang pay hike at allowance bill.
Sinabi ni Recto na ang naturang panukala ay kanyang isinumite sa Palasyo ng Malacañang noong nakaraang Pebrero 22 at sa ilalim ng Konstitusyon ay dapat itong masertipika han bilang urgent bill ni Pangulong Gloria Macapa gal Arroyo sa loob ng 30 araw.
Sa sandaling malagdaan o maisabatas, epektibo sa Hulyo ng taong ito ang pagpapatupad ng nasabing batas dahil ang badyet para dito na aabot sa P10.3 bilyon ay matutugunan lamang sa ikalawang bahagi ng taon.
Ayon pa kay Recto, sa nasabing alokasyon, P8.2 bilyon ang inilaan para sa across–the–board na 10 % adjustment sa basic pay.
Ang nalalabing P2.1 bilyon ay ilalaan sa ‘subsistence allowance’ para sa uniformed personnel ng PNP at AFP mula P60-P90 kada araw at para madoble ang hazard pay mula sa P120 hanggang P240 kada buwan. (Joy Cantos/Malou Escudero )