Una ay nang ideklara ng Makati RTC na justifiable ang pagpapa-ospital ni Leviste taliwas sa alegasyon ni Velasco na peke ang pagakakasa kit. Kasunod nito ay nang ibasura ng korte dahil sa kawalan ng merito kahapon ang motion ni Velasco na i-cite for contempt ang mga doktor ni Leviste na sina Drs. Reynato Kasilag and Ramon Liboro dahil sa hindi pagtalima sa atas ng korte na agad ilipat sa Makati City Jail si Leviste matapos itong I-discharge sa Makati Medical Center.
Minsan na ring nasabon ng korte si Velasco dahil sa umano’y pag-abuso sa kanyang kapangyarihan nang ipag-utos ang pagsasagawa ng re-investigation kahit hindi pa naglalabas ng order ang korte rito. Kinondena rin ng mga abogado ni Leviste si Velasco nang pumasok ito kasama ang kanyang NBI escorts sa tanggapan ng dating gobernador nang walang pahintulot. (Angie dela Cruz)