Loren una uli sa Pulse Asia
March 15, 2007 | 12:00am
Muling nakopo ni Genuine Opposition (GO) senatorial candidate Loren Legarda ang pagiging numero uno sa pinakabagong Pulse Asia survey na isinagawa mula Pebrero 28-Marso 5, 2007.
Sa ipinalabas na resulta ng survey, walong kandidato ng GO, isang guest candidate, anim sa Team Unity at dalawa ang independent sa maaring magwagi sa nalalapit na eleksyon sa bansa.
Nakuha ni Legarda ang 56.8 percent na sinundan ni Panfilo Lacson, 41.1 % at pangatlo si Francis Pangilinan, 39.4%, Independent ng oposisyon.
Pumuwesto mula pang-apat hanggang pang-12 sina Francis Escudero (35.5%), Ralph Recto (35.2%), Manuel Villar (35.0%), Joker Arroyo (34.5%), Benigno Aquino III (34.2%), Edgardo Angara (32.1%), Alan Peter Cayetano (30.9%), Gregorio Honasan (27.3%) at Vicente Sotto III (25.4%).
Nanguna rin si Loren sa Jan. 25-29 Pulse Asia survey, sa Malacañang-commissioned survey noong Feb. 24-27, Sept. 2-Oct.2. 2006 SWS at Jan. 8-18 Ibon Facts and Figures survey.
Hindi lang sa senatorial surveys nanguna si Loren dahil siya rin ang tinanghal na pinagkakatiwalaag public figure ng mga Pilipino sa trust rating survey ng Ibon noong 2006. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest