Retake itinakda sa Hunyo 11 at 12

Itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang boluntaryong retake ng nursing board exam sa darating na Hunyo 11 at 12. Sakop ng retake exam ang kontrobersiyal na Test 3 (medical surgical nursing) at Test 5 (psychiatric mental health).

Samantala inihayag naman ni Labor SecPretary Arturo Brion na ang aplikasyon para sa nursing review ay mula Marso 19-Abril 4 at ang actual review sessions ay sa Abril 16-Hunyo 3, 2007.

Matatandaang ang retake ng Tests 3 at 5 ng mga nakapasa sa june 2006 Nursing Board Exam ang hininging requirement ng Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools (CGFNS) para makakuha ng working permits ang mga nurse na nais magtrabaho sa US. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments