FG pinapa-disbar ng ex-lover
March 13, 2007 | 12:00am
Isang babaeng nagpapakilalang isa siyang dating kalaguyo ni First Gentleman Mike Arroyo ang nagsampa umano ng petisyon sa Supreme Court (SC) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) para hilinging I-disbar o tanggalan ng lisensya sa pagkaabogado ang huli.
Tumanggi ang Mataas na Hukuman at ang IBP na kumpirmahin ang reklamo ni Ma. Celia Suarez na kilala rin bilang Virginia Suarez at residente ng Parc Chateau Condominium, Ortigas, Pasig City.
Idinadahilan ng dalawang institusyon ang confidentiality rules sa disbarment proceeding bagaman pwedeng ipalathala ang pinal na desisyon ng Mataas na Hukuman sa anumang kaso.
Nakaposte sa internet sa pamamagitan ng blogspot (www.disbarmikearroyo.blogspot.com) ni Suarez ang kanyang reklamo na nagsasaad na dapat tanggalan ng lisensya si Arroyo dahil sa imoralidad. Wala namang petsa ang kanyang petisyon.
Sinasabi ni Suarez na una niyang nakilala si Arroyo noong 1976 o 1977 sa pamamagitan ng isang kaibigan na kliyente ng huli. Nang panahong iyon, isa si Arroyo sa mga partner sa law firm na Arroyo, Barin, and Ortie Law Office. Sinasamahan umano niya ang kaibigan niya tuwing pupunta ito sa opisina ni Arroyo sa 801 JMT Building sa Ayala Avenue, Makati City. Nang panahong iyon, 26 anyos pa lang siya at mas matanda sa kanya nang 10 taon ang abogado.
Mula noon, niligawan siya at nireregaluhan ni Arroyo ng kung ano-anong mamahaling bagay. Lumalabas sila araw-araw at pagkatapos ng tatlong buwang ligawan, naging magkasintahan silang dalawa. Nang panahon ding iyon, sinasabi sa kanya ni Arroyo na hiwalay na ito sa asawa niya at ngayon ay Pangulo ng bansa na si Gloria Macapagal-Arroyo. Para walang ibang makahalata, pinapalabas ni Arroyo na nagtatrabaho sa kanyang opisina si Suarez. Bukod dito, hinirang pa siyang presidente ng isang kumpanya ng mga Arroyo, ang Harmoney Realty and Development Corp.
Ibinahay din umano ni Arroyo si Suarez sa BF Homes, Parañaque bago lumipat silang dalawa sa Greenbelt Mansion sa Perea St., Legaspi Village, Makati. Nangako rin sa kanya ng kasal si Arroyo para lang magpatuloy ang kanilang bawal na relasyon. Sinabi ni Suarez na niloko siya ni Arroyo dahil hindi naman siya nito napakasalan. Idinagdag ni Suarez na, ayon kay Arroyo, napilitan lang itong pakasalan si Gloria dahil anak ito ng noon ay si dating Pangulong Diosdado Macapagal.
Nagkalabuan sina Sua5rez at Arroyo noong kalagitnaan ng dekada ’80, ng matuklasan niya ang relasyon nito sa isang Vicky Toh. Ito ang sandaling tumanggap na siya ng ibang manliligaw.
Samantala, tahasan namang pinabulaanan ni Ginoong Arroyo ang rebelasyon ni Suarez na anya’y malinaw na black propaganda. Itinanggi rin noi Arroyo na may nagsampa sa kanya ng disbarment sa SC at IBP. (Mike Frialde)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest