Cayetano handang umatras sa eleksiyon
March 11, 2007 | 12:00am
" Handa akong umatras sa eleksyon."
Ito ang mariing sinabi ni Genuine Opposition (GO) senatorial bet Allan Peter Cayetano pero ito’y gagawin lamang niya sakaling mapatunayan ni dating Pateros Mayor Jose Capco na hindi siya isang tunay na Pilipino.
"I challenge Mr. Capco to prove his accusations against me. Puwede kong i-withdraw ang kandidatura ko basta ba mapatunayan nilang hindi ako Pilipino," pahayag ni Cayetano.
Gayunman, sakaling mabigo si Capco na patunayan ang mga alegasyon nito, sinabi ni Cayetano ay dapat hindi na rin ito tumakbo sa May polls.
Naniniwala si Cayetano na sinasamantala ni Capco ang harassment na ginagawa ngayon laban sa kanya dahil bukod sa nasusunod nito ang gusto ng mga ‘amo’ sa Malakanyang, nakakakuha rin ito ng libreng publisidad dahil may plano ang dating alkalde na tumakbo bilang kongresista ngayong darating na halalan.
Sinasabing magiging kalaban umano ni Capco para kongresista ng Pateros at Taguig ang maybahay ni Cayetano na si Lani.
Kaugnay nito, malaki ang paniniwala ni Cayetano na pakawala pa rin ng kampo ni First Gentleman Mike Arroyo si Capco para lamang gibain ang kanyang kandidatura.
"Walang duda na pakawala iyan (Capco). Mismong si (DOJ) Sec. Raul Gonzales ay kilalang malapit kay Mr. Capco at siya rin ang nagbigay ng mga impormasyon hinggil sa aking citizenship," dagdag pa nito.
Hindi naman nawawalan ng lakas ng loob ang kongresista dahil habang ginaganito umano siya ng panig ni Mrs. Arroyo, lalo lamang siyang tumatatag para labanan ang talamak na korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest