Bahay ni Satur sinalakay ng CIDG
March 11, 2007 | 12:00am
Nilusob ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo kahapon ng umaga sa Quezon City hinggil sa warrant of arrest sa kasong 15 counts ng murder laban sa kanya at iba pa.
Dakong alas-11 ng umaga ng magtungo ang may 20 armadong grupo ng CIDG sa bahay ni Ocampo sa Heroes Hill Village na matatagpuan sa Tandang Sora ng nasabing lungsod.
Inabutan nila doon ang maybahay ni Satur na si Carolina Malay Ocampo na siyang nagsama sa kanila sa lahat ng sulok ng bahay upang hanapin ang nagtatagong kongresista.
Nabigo namang mai-serve ng mga awtoridad ang warrant dahil hindi nila natagpuan doon si Satur.
Ayon kay Carolina, armado ang mga tauhan ng CIDG at sa 20 pumasok sa kanilang bahay ay ilan lang sa mga ito ang naka-uniporme habang karamihan ay nakasibilyan.
Kinumpirma naman ni chief Supt. Edgardo Doromal, CIDG director, na mga tauhan niya ang nag-serve ng nasabing warrant of arrest matapos makatanggap ng ulat na nandoon umano ang nasabing mambabatas.
Matatandaang ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang malawakang manhunt laban kay Ocampo at 52 pang mga kasama nito na kinabibilangan ni CPP-NPA Jose Maria Sison kaugnay sa 15 bilang ng kasong murder na isinampa sa kanila sa pagkakadiskubre ng 67 sa Inoacan, Leyte na kanilang ibinaon noong mula kalagitnaan ng 1980 hanggang noong 1990.
Si Ocampo ng mga panahong iyon ay isa sa mga matataas na opisyal ng NPA at siya rin umano ang nag-utos na patayin na ang mga nasabing biktima. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended