2 Briton nang-estafa ng kapwa Briton
March 10, 2007 | 12:00am
Dalawang British nationals ang sinampahan ng kasong estafa ng kapwa nila Briton sa Manila Regional Trial Court (RTC).
Kinilala ang mga suspek na sina Mo Ka Keung at Ringo Ng kapwa residente ng Brgy. II-B, Pulilan, Bulacan, samantalang ang biktima ay si Jackson Chiu Hon ng 70 Macopa st. Sto. Domingo, Quezon City.
Sa reklamo ng biktima, hinikayat siya nina Mo Ka Keung at Ringo Ng na mag-invest sa isang garment industry noong taong 2002.
Dahil umano sa magagandang salita ng suspek, nakumbinsi ang biktima kaya nagbigay ito ng halagang P2.4 million noong Mayo 20, 2002.
Pinapirma pa umano ang biktima sa isang agreement kung saan nakalagay ang halaga ng kanyang capital contribution bilang capital investment sa Roots Manufacturing Corp.
Sinabihan pa umano ng mga suspek ang biktima na patuloy na lumalago ang kanilang negosyo kaya muling hinikayat ng dalawa si Hon na magdagdag ng capital kaya umabot na ito sa P4.850 million noong Setyembre.
Subalit noong Nobyembre 2004 ay nagtungo ang biktima sa lugar ng kanilang negosyo sa Brgy. II-B, Pulilan, Bulacan at laking gulat na lamang nito ng madiskubre na wala ang Roots Manufacturing Corp. at sa halip ay Marque Mills Manufacturing Corp. ang nagpapalakad dito.
Kaagad bineripika ng biktima sa Securities and Exchange Commission (SEC) kung nakarehistro rito ang kanilang kumpanya subalit laking gulat nito ng madiskubre na ang dalawa ay stockholder ng Marque Mills Manufacturing Corp. at hindi siya kasali rito.
Kinompronta ng biktima ang mga suspek na ibalik na lamang ang pera subalit tumanggi ang dalawa kaya sinampahan ang mga ito ng kaso at na-raffle kay RTC branch 15 Judge Mercedes Posadas. (Gemma Amar go-Garcia with trainees Kathleen Rose Elipse, Merdelle Lynne Sarria, Gley Ann Ramos at Adam Lino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended