^

Bansa

US citizenship ni Cayetano pakikialaman na ng Comelec

-
Pormal nang naghain ng petition for disqualification sa Commission on Elections (Comelec) ang isang dating alkalde ng Pateros laban kay senatorial bet at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano dahil sa umano’y pagsisinungaling nito sa kanyang kandidatura.

Ayon sa dating mayor na si Jose Capco, hindi puwedeng kumandidato si Cayetano dahil isa itong US citizen na "sinadya at tahasang ibinasura ang kanyang pagiging mamamayan ng Pilipinas."

Binanggit ni Capco na noong Marso 18, 1976 , si Cayetano ay binigyan ng alien certificate of registration (ACR) kung saan nakalagay na siya ay isang American citizen.

Sa ilalim ng Section 3, Article 6 ng Konstitusyon nakasaad na "no person shall be a senator unless he is a natural born citizen of the Philippines."

Makaraan ang halos siyam na taon, noong Enero 23, 1985, sinabi ni Capco na si Cayetano ay personal pang nag-apply at nabigyan ng panibagong ACR kung saan muli niyang inihayag na siya ay isang Amerikano.

Subalit nang si Cayetano ay tumakbo bilang konsehal ng Taguig noong 1992, sinabi ni Capco na nagpakita ito sa mga botante ng identification certificate mula sa Bureau of Immigration na nagsasaad na siya ay isa nang Filipino.

Pero binigyang-diin ni Capco na ang ID certificate ni Cayetano ay hindi pa napagtitibay ng Secretary of Justice na siyang itinatakda ng batas.

Una rito, inihayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez na ayon sa records ng kanyang departamento, Amerikano pa rin si Cayetano. (Gemma Garcia)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

AMERIKANO

BUREAU OF IMMIGRATION

CAPCO

CAYETANO

GEMMA GARCIA

JOSE CAPCO

JUSTICE SEC

RAUL GONZALEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with