Manhunt kay Satur sinimulan na!
March 10, 2007 | 12:00am
Bumuo na ng limang grupo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsasagawa ng manhunt operation laban kay Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.
Ayon kay Atty. Ruel Lasala, hepe ng NBI-NCR, nagpasya na silang tumulong sa Philippine National Police (PNP) upang agad na madakip si Ocampo na ngayo’y nagtatago na matapos na ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ikakalat ang limang grupo sa mga lugar na pinaniniwalaang madalas na puntahan ni Ocampo kabilang na ang sinasabing safehouse nito ngayon.
Si Ocampo ay isa sa 53 miyembro ng NPA na kinasuhan ng 15 counts of murder kasama sa pagkakadiskubre ng 67 kalansay sa isang mass grave sa Inoacan,Leyte.
Samantala, nagbabala ang PNP na mananagot ang sinumang mapapatunayang nagkakanlong kay Ocampo.
Sinabi ni PNP chief Director Gen. Oscar Calderon na maituturing nang isang fugitive o wanted sa batas si Ocampo kaya madadamay din ang mga taong nais tumulong sa kanya upang hindi madakip ng batas.
Ang babala ay kasunod ng intelligence report na may mga maimpluwensyang personalidad ang nagkakanlong sa mambabatas upang malusutan ang pagdakip dito.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Bureau of Immigration (BI) upang hilingin na ilagay sa hold departure order si Ocampo upang hindi makalabas ng bansa.
Una nang nagpahayag si Ocampo na huwag na siyang hanapin dahil kusa siyang susuko kung saan humingi siya ng hanggang apat na araw.
Kabilang sa ibang personalidad na kasamang kinasuhan kasama ni Ocampo ay sina CPP-NPA founder Jose Ma. Sison, Luis Jalandon Benito Tiamzon at asawang si Wilma. (Doris Franche/Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended