Surveys di kasiguruhan na mananalo na sa eleksiyon - TU
March 9, 2007 | 12:00am
Pinaalalahanan ng mga administration congressman ang Genuine Opposition (GO) na huwag agad magdiwang sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) dahil maagang isinagawa ang survey at hindi nito tantiya ang kalalabasan ng halalan.
Ayon kina House Majority Leader Prospero Nograles at Rep. Antonio Cuenco , nasa unang bahagi pa lamang ng kampanya ang mga kandidato ng Team Unity kaya mayroon pang panahon ang mga ito na makapangampanya, magpalabas ng kanilang mga political ads at maipaalam sa mamamayan ang kanilang plataporma at agenda.
Sinabi ni Nograles na maaaring nangunguna sa mga surveys ang GO sa ngayon subalit hindi ito nangangahulugan na mananalo na sila sa eleksyon.
Sa ipinalabas na survey, lalo lamang aniyang magsusumigasig ang Team Unity na magtra- baho hanggang sa eleksyon.
Sinabi naman ni Cuenco na katawa-tawa na agad nagdiriwang at nagpahayag nang pagkapanalo ang GO base lamang sa ipinalabas na SWS survey.
Niliwanag pa ni Cuenco na tumatakbo ang Team Unity sa isang sistematiko at maayos na kampanya, hindi tulad ng GO na kumakaharap sa problema sa kampanya na dinagdagan pa ng kakulangan ng pondo. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended