Susuko ako! – Satur
March 9, 2007 | 12:00am
Handang sumuko anumang oras si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo para harapin ang 15 counts ng kasong murder na isinampa laban sa kanya at sa 52 pang opisyal at miyembro ng New People’s Army (NPA) kaugnay sa nadiskubreng mass grave ng 67 kalansay ng hinihinalang mga rebelde sa Inopacan, Leyte.
Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Romeo Capulong, inihahanda lamang ng kanilang kampo ang mga legal na proseso, kabilang na ang pagsasampa ng petition for certiorari sa Supreme Court na hihiling na muling buksan at imbestigahan ang kaso.
"He will give himself up in a matter of days. He will make some adjustment, pati ang family kailangan munang kausapin sa dapat gawin. Inaasikaso muna ang place of detention, kasi nga mahirap magtiwala sa military," sabi ni Capulong.
Inutos na ni Judge Ephrem Abando ng Branch 18 ng Leyte Regional Trial Court (RTC) na arestuhin si Ocampo at iba pang lider ng rebeldeng grupo kasunod ng ipinalabas na arrest warrant para sa kri men na naganap noong 1985 hanggang 1991 kung saan si Ocampo ay mataas na opisyal ng makakaliwang grupo. Ang 67 kalansay ay nahukay sa Sitio Sapang Daco, Brgy. Kauluhisan, Inopacan, Leyte.
Nilinaw ni Ocampo na hindi siya nagtatago at ang arrest warrant ay bahagi anya ng plano ng gobyerno na alisin ang mga party-list sa Congress partikular ang mga kritiko ng administrasyon.
"Ako, gusto kong pagtawanan ito but this is a serious matter. But the more ang kanilang evil intent na durugin ang aming partido, takot sila sa continued presence namin sa congress, binabastos nila ang provision ng constitution sa party list system," sabi ni Ocampo.
Bukod kay Ocampo kasama din sa warrant of arrest sina CPP-NPA founder Jose Ma. Sison, Luis Jalandon Benito Tiamzon at asawang si Wilma.
Samantala nangako naman si PNP spokesper son C/Supt. Samuel Pagdilao na ibibigay ng kapulisan ang mga karapatang pantao ni Ocampo sakaling maisipan nitong sumuko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended