Malinis na halalan Isinusulong ng PHALTRA

Ipinahayag ng Philippine Asso. of Local Treasurers and Assesors (PHALTRA) ang kanilang malaking bahaging gagampanan sa nalalapit na national election upang mapanatiling maayos, tahimik at kapani-paniwala ang halalan na idaraos sa bansa.

Ayon kay PHALTRA president Victor Endriga, aabot sa 3,000 ang city treasurers at assessors sa bansa upang mapanatili ang mga balota at ballot boxes na isusumite sa kanila ng mga lokal na sangay ng Comelec bago at matapos ang halalan ay sinisiguro nilang sagrado at hindi maiimpluwensiyahan ng mga kandidato at pulitiko.

Sinabi pa ni Endriga na kanilan hakbang ay pagpapakita rin ng kanilang pagtutol sa anumang masamang balak na sila ay gamitin para sa pansariling interes.

Pinuri naman ni CBCP president at Archbishop Angel Lagdameo ang layunin ng Phaltra para sa isang malinis at tapat na halalan na maituturing na isang hakbang na pagiging historic at patriotic ng mga ito. Nagsidalo sa pronouncement ng Phaltra si Comelec Chairman Benjamin Abalos, Namfrel chairman Jose Concepcion at ilang DepED officials. (Doris Franche)

Show comments