Hirit ni Atong ibinasura
March 8, 2007 | 12:00am
Ibinasura kahapon ng Sandiganbayan ang mosyon ni businessman Charlie "Atong" Ang na makalabas siya ng kulungan para magpa-medical checkup dahil umano sa hypertension at pamamaga ng bukung-bukong at talampakan.
Sa kautusan ni presiding Justice Ma. Teresita Leonardo-de Castro, nakasaad na hindi kapani-paniwala ang inilabas na medical certificate ng kampo ni Ang na pinirmahan lamang ng isang nurse sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
Inatasan din ng korte ang kampo ni Ang na ang personal physician na lamang nito ang magtutungo sa MMDJ para kumpirmahin ang kalagayan ng kalusugan ni Ang at ang nabanggit na doktor na rin ang magrerekomenda na mailabas ito ng kulungan at maipagamot sa Metropolitan Hospital sa Maynila kapag nakumpirma na ang sakit nito.
Si Ang ay kapwa akusado ni dating Pangulong Estrada sa kasong P4.1 bilyong plunder. (Butch Quejada/Rose Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am