Asawa ng mga justices bawal magtrabaho sa SC, CA, etc.

Pinagbawalan ng Korte Suprema ang lahat ng asawa ng mga incumbent justices na magtrabaho bilang co-terminus employees sa Judiciary simula sa Abril 1.

Sa Administrative Matter np. 7-03-02-CA, iniutos ng Kataas-taasang Hukuman ang pagbabawal na maging co-terminus employees ang mga spouses ng mga mahistrado sa Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

Sa ilalim ng resolusyon, ang lahat ng mga empleyadong sakop nito ay itinuturing na resigned simula sa Marso 31.

Sang-ayon ang bagong kautusang ito ng SC sa New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary. (Rudy Andal)

Show comments